sɐuıdıןıd ƃu pɐpısɹǝqıun ƃuoʞıuʞǝʇıןod ɐs ʇuǝpnʇs ƃuısıʇɹǝʌpɐ˙˙˙uıʞ,ɐs ıpuıʇuıɯn ƃuoʎɐʞ ɐu ɐןɐɥɐq˙˙˙oʞ uɐןɐƃuɐd ƃuɐ oʇuǝɯɹoɟ ʎןǝʌoן
Pananaw
BIDYO
Ako na Writer
KOWTS
Photography Blog
KWENTONG HENYO
LITRATOS



This & That:
Know This:
- Only 32 people have visited every county in the U.S.
- Judd Apatow has signed on to produce a new Pee-wee Herman movie.
- A Houston honor student was sentenced to 24 hours in jail for truancy and tardiness.
- Paying your student loan in cash is harder than it sounds — ask Alex Kenjeev.
Read This:
- How a bizarre legal case could force 1.2 million Canadians to marry against their will.
- Is Mitt Romney Mormonism’s path to the Christian mainstream?
Watch This:
- David Frum argues in favor of the good ol’ days, when politicians were drunk, and not quite so partisan.
- Jimmy Fallon and Will Smith discover their “jiggy” 1920s past.
- A GoPro catches a rabbit building a nest in a planter.
Look At This:
- It’s Romney vs. Obama via Twitter.
- John Goodman puts a gun to his mouth — a Photoshop journey.
- This dog photo was hand-printed with more than 200,000 sprinkles.
- Durex’s funny new ad campaign targets premature ejaculators.
Other:
- Tea Time Twitter: Zooey Asks Siri
- Tea Time Tumblr: Animated Albums
- Above: bentobjects
Love it when photogs share their process!
Photographer Thomas David shows us just how he shot this dancer surrounded in a magical poof of dust. Check out the diagram above, and this video below.
Photographer Shows How to Shoot with Flour
via Reddit
I dobidoo bidoo
I’am a fan of APO HIKING SOCIETY’s songs, and it’s so great that unitel did a movie musical for the songs of apo. What makes me more excited about this film is that my favorite director and screenplay writer DIREK CHRIS MARTINEZ (writer of babae sa septic tank) is the one who directed the film. Also my favorite singers, actors and actresses are part of it like Ms. Eugene Domingo, Ogie Alcasid, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla and of course the two BIDAS :) Sam Concepcion and Tippy dos Santos. I can’t wait to see this film. :D
Tambay! Salitang kalye na na-adopt na sa salitang Filipino, mula sa salitang Ingles na “by stander” meaning “tambay” haha ang gulo ko. Anyways, tambay ang gusto kong TOPIC ngayon bakit? Dahil nakakita ako ng isang kumpol ng mga tambay kanina sa labas ng compound namin. Grabe nakakahanga sila, daig pa nila yung “kisses” na laruan noong highschool na kapag itinabi mo raw sa kumpol ng mga bulak ay dadami ito, minsan ibinababad din sa tubig. Parang kisses yung mga tambay, once na nagsama-sama sila, humahayo sila’t nagpapakarami.
Minsan na rin akong naging tambay at sinasabi ko sa inyong nakakapagod ng sobra ang ganitong gawain. Simulan natin sa paggising ng mga tambay sa umaga este tanghali, paggising ng tanghale. Magigising ang mga tropa nating tambay ng mga tanghaling tapat, minsan kapag naputol ang tulog magigising sila ng mga alas onse at pag nasarapan at kinapalan ng mukha, mag-aalas dos na sila gigising. Pagkadilat ng mga mata, hindi pa siya babangon, magmumuni-muni muna. Iisipin niya yung mga ginawa niya noong mga nakaraang araw o di naman kaya’y magsa-sound trip (kunwari nasa music video, minsan mag-e-emo pa yan at iiyak-iyak). May mga ka-tropa din tayong sadyang mabigat ang talukap ng mga mata, kala mo hallow blocks yung nakapatong dahil hindi makadilat matapos ang kalahating araw ng pagtulog. Yung iba sadyang wala lang sa ulirat pagkagising, na-hibernate siguro yung utak nila habang tulog kaya pagkagising medyo mabagal pumik-up at nagha-hang. Pagkagising palang sa umaga, nakakapagod na, paano pa kaya ang pagkain ng BRUNCH (breakfast/lunch)?
Hassle din para sa mga tambay ang pagkain ng BRUNCH. Madalas paglabas ng kwarto, bubuksan niya ang takip sa lamesa at titingnan kung anong nakahain sa BRUNCH. Swerte niya kung maraming tira yung mga kasamahan niya sa bahay, malas naman kung naubusan siya (di lang alam ng mga tambay na sobrang nagpapasalamat ang mga magulang at kasamahan niya sa bahay dahil nakabawas siya sa gastusin, pagiging matipid, isang magandang ugali ng ating mga ka-tropa). Matapos ang pagkain ng brunch, maliligo na ang mga tropang tambayers, lalabas at gagawin ang signature pose nila, kundi ang umupo at tumabay. Kapag nangalay, uuwi ng bahay, iidlip hanggang sa magising na ng alas nuebe ng gabi. Kakain. Manunood ng TV hanggang hatinggabi o di naman kaya’y hanggang madaling araw. Matutulog ulit. Gigising ng tanghali…. At ulitin mo na lang basahin yung sinulat ko mula umpisa. Di tayo matatapos kung ikwekwento ko pa ang pangalawang araw. Ganoon at ganoon pa din ang gawain ng kaibigang tambay.
Nakakapagod ang matulog, kumain at matulog. Nakakangawit. Nakakangalay. Nakakahiya. Nakakawalang respeto. Kaya naman kilos kaibigan. Kung walang mahanap na trabaho, maraming paraan, magnegosyo, sumad-line, kumilos. Galaw galaw. Ang gulong iikot lang kung may magmamaneho ng sasakyan. Hindi kusang gugulong sa iyo ang swerte. Ika nga nila nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa :D
http://astignabobonghenyo.wordpress.com/2012/05/18/asian-society-film-fest/
tagalog post at wordpress
http://shutupstupidgenius.blogspot.com/2012/05/yesterday-may-172012-i-and-my-friends.html
english at blogspot
haha umaasenso ako may english post na ko!
For those who want to learn a thing or two about theater and what it’s like to be an actor - this is something you might want to check out… Trumpets Playshop’s Actor’s Studio with special guests Jon Santos and Lea Salonga - this coming May 21 6pm at the Meralco Mini-Theater. For inquiries, call 636-2842
Bakit ba kasi may mga entrance exam pa sa college?
Para malaman kung mataas ang IQ ng estudyante? Or mapilitan mag-aral sa mga private schools ang mahihirap nating kababayan.
Hindi naman ako against sa ganitong palakad, lalong lalo na sa mga public schools, kung lahat kasi pwedeng mag-aral nang walang ka-effort effort at kung di sinasala ang mga estudyate, marahil parang mga sardinas na ang mga estudyanteng nag-aaral sa eskwelahang yaon.
Nag-aaral ako ngayon sa magandang eskwelahan (maganda ang turo, hindi pasilidad). dumating din yung panahon nag-entrance exam ako. Sa tulong ng ilang daang santong pinagdasalan ko, ayun, nakapasa naman. Pero iniisip ko din yung mga taong walang kakayanang mag-aral, at hindi pa nakakapasa sa mga entrance exam. Napipilitan silang humanap ng alternatibong paraan upang makapag-aral. Alternatibo pero mahal. Yung tipong kailangan nilang bawasan ang pagkaing isusubo nila kada araw. Yung iba napipilitang huminto kahit gutong gusto nila mag-aral. Nakakalungkot na may mga ganitong sitwasyon. Yung mga gustong mag-aral nakakapag-aral… yung mga ayaw, ayun nilulustay ang pera na dapat pang-tuition nila. Kung mayaman lang ako, pag-aaralin ko lahat ng gusto mag-aral. E ang problema di ako mayaman. So umpisahan niyo na magdasal para yumaman ako hahaahah…
Nakakatawa lang ginawa ko kahapon, sa kagustuhan kong makalayas sa mundo ng advertising kung ano ano ang ginagawa ko. Una, kinontak ko si Sir Eros, haha sa kabutihang palad isa siya sa mga kolumnista sa tabloid na Pilipino Mirror, ayun nagyaya siyang mag-OJT sa company na yun, kaya lang nilagay na naman nila ako sa advertising. Kala ko di ko na matatakasan to’ buti na lang nabigyan ako ng chance para makapagsulat sa dyaryo, okay lang kahit walang bayad haha. Libre pa sa ngayon, estudyante e! Pero ayun na nga, nagsasawa na rin ako sa pagtawag-tawag ng mga advertisers na walang ginawa kundi sagutin ako ng “call later ma’am wala pa po kasi yung person na mag-e-entertain” o di naman kaya sagutin ako ng mga operator at caller ring back tone nila. Nakakasawa na. Natotorta din utak ko na gumawa ng press release, from english itra-transfer ko sa tagalog, mahirap din kaya yung ganun, mas okay pa magtranslate ng tagalog sa english. At dahil sa mga dahilang ito, gusto ko ng kumawala sa advertising, kahit creative writing papatusin ko na… Kaya ayun, nakita ko na naman ang facebook account ni Mr. Ricky Lee, tapos tinanong ko if magpapa-free seminar siya…. tendeden!!!!… sumagot si Sir Ricky sabi niya meron daw sa ABS na upcoming workshop at meron pa syang gagawing personal workshop by the end of this year. Haha, sabi ko gusto kong umatend… Ang kapal ko no? desperado lang kasi… Hahanap pa ako ng makokontak naman for FILM
Kapal ko talaga! Thick face!
Sino ako?
Isang magulong kausap na makata.
Naninirahan sa mundong ibabaw.
Naglalakbay sa kalawakan.
Nakikisaya sa musikang hatid ng kapaligiran.
Nakikitampisaw sa malawak na tubigan.
Nakikikain sa bahay bahay ng mga kaibigan.
At ngayo’y napapakadalubhasa sa mundo ng sosyal na mediya.
Lahat ng nilalaman ng aking matabang utak ay isiniksik dito sa mumunting blog.
Ituring na Bahay. Bawat Kwento’y kapulutan ng istorya. Bawat dagli ay ituring na iyong buhay at bawat karakter ay mahalin niyo tunay.
BOW!